User Rating: 0 / 5

Star InactiveStar InactiveStar InactiveStar InactiveStar Inactive
 

Nagpaplano ba kayong mag outing o magkaroon ng family gatherings ngayong summer?

Kung outing ang pag-uusapan ang laging nasa isip natin ay swimming at masasarap na pagkain na nababagay dito.

Wala na ngang sasaya pa sa paglalangoy sa beach o sa pool at ang pagkain ng mga summer foods.

Ngunit huwag natin kalimutan ang food safety o kaligtasan ng pagkain sa panahon ng tag-init o summer.

Ang pagkain ay dapat laging malinis, mula sa paghahanda hanggang sa pagkonsumo.

Mas lalong dapat maging maingat kapag magluluto ng pagkain sa labas o outdoors.

Narito ang ilang paalaala tungkol sa ligtas at malinis na paghahanda ng pagkain ngayong summer:

• Panatilihing malamig ang mga pagkaing tinuturing na cold foods. Gumamit ng coolers at lagyan ng maraming yelo. Ilagay ang coolers sa lugar na di naiinitan. Dagdagan pa ng yelo kung tunaw na ang yelo sa coolers. Ang pinakamainam upang mapanatiling malamig ang pagkain tulad ng tinamplahang karne, manok at isda ay iimbak muna sa freezer para maging frozen bago ilagay sa coolers.

• Unahing kainin ang mga pagkaing madaling masira at ihuli ang mga pagkaing di madaling masira.

• Baunin sa picnic o sa outing ang mga pagkaing di madaling masira tulad ng adobong baboy o manok, inihaw na baboy o isda, sariwang prutas at gulay.

• Hugasang mabuti ang prutas at gulay bago i-empake.

• Kung mag-iihaw, panatilihin muna ang pagkaing iihawin sa loob ng coolers at ilabas lang kung kailan iihawin na ang mga ito.

• Kung maghahanda ng pagkain, panatilihing malinis ang lahat ng kagamitan. Maghugas ng kamay bago hawakan ang pagkain.

• Ilagay sa malinis na lalagyan ang inihaw na pagkain. Huwag gumamit ng parehong pinggan para sa hilaw at lutong pagkain.

• Uminom ng malinis na tubig o magdala ng bottled water

Ayon sa ika-anim na mensahe ng Gabay sa Wastong Nutrisyon para sa Pilipino, kumain ng malinis at ligtas na pagkain lamang upang maiwasan ang sakit na sanhi ng maruming pagkain at tubig.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkain at nutrisyon, lumiham o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Director, Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837 2934 or 837 2071 loc. 2287, email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Maaari ding bisitahin ang FNRI website: http://www.fnri.dost.gov.ph. I-like ang aming Facebook page sa facebook.com/FNRI.DOST o sundan kami sa aming Twitter account sa twitter.com/FNRI_DOST. (DOST-FNRI S & T Media Service: Press Release – MA. IDELIA G. GLORIOSO)

Featured Videos

iFNRI Online Services
ifnri

More

Back to Top