User Rating: 0 / 5

Star InactiveStar InactiveStar InactiveStar InactiveStar Inactive
 

Ang Gabay sa Wastong Nutrisyon para sa Plipino o 2012 Nutritional Guidelines for Filipinos na binalangkas sa pamumuno ng Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute ng (DOST-FNRI) ay binubuo ng sampung pangunahing rekomendasyon ng naglalayong itaguyod ang mabuting kalusugan at wastong nutrisyon ng mga Pilipino.

Ang ika-anim na gabay ay nagsasaad na “Kumain ng malinis at ligtas na pagkain at tubig upang maiwasan ang diarrhea at iba pang sakit na nakukuha sa kontaminadong pagkain at tubig”. Layunin ng mensahe na ito na ipabatid ang mga paraan kung paano maiiwasan ang mga sakit na nakukuha sa kontaminadong pagkain at tubig. Ipinababatid din ng gabay na ito ang iba’t-ibang pinanggagalingan ng kontaminasyon ng pagkain.

Ang food-borne disease o mga sakit na nakukuha sa pagkain at tubig ay resulta ng pagkonsumo ng mga ito na:

• galing sa hayop na may sakit bago pa ito katayin

• kontaminado ng mga organismo dala ng mga insekto, langaw, ipis o daga

• kontaminado dahil sa hindi ligtas at maayos na pamamaraan paghahanda at paghahain ng mga pagkain at tubig ng mga taong may kinalaman dito

• nagtataglay ng mga nakalalasong mga sangkap galing sa pagkain at tubig mismo o naidagdag nang hindi sinasadya.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkain at nutrisyon, lumiham o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Director, Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837 2934 or 837 2071 loc. 2287, email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Maaari ding bisitahin ang FNRI website: http://www.fnri.dost.gov.ph. I-like ang aming Facebook page sa facebook.com/FNRI.DOST o sundan kami sa aming Twitter account sa twitter.com/FNRI_DOST. (DOST-FNRI S & T Media Service: Info Bits - MARILOU R. GALANG)

Featured Videos

iFNRI Online Services
ifnri

More

Back to Top