Ang
National Nutrition Council, Department of Agriculture (NNC-DA)
sa pakikipagtulungan sa Food and Nutrition Research Institute,
Department of Science and Technology (FNRI-DOST) ay naglimbag
ng isang resipi book na naglalaman ng simple ngunit masustansya,
praktikal at abot-kayang lutuing gulay na garantisadong
magugustuhan ng pamilya.
Pawang
mga pili at winning resipi ng mga cooking contest sa kalakhang
Maynila at Laguna sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon mula
1999 hanggang 2002 ang itinampok sa handbook. Binigyan diin
ang nutrient content ng bawa't lutuin upang maibigay ang
sapat na sustasyang kailangan ng pamilya. Isinaalang-alang
din ang halaga ng bawat lutuin ng maging praktikal sa badyet
ng pamilya. Pawang madali ang paraan ng pagluluto at ang
mga sangkap ay madaling hanapin sa pamilihan. Higit sa lahat
pawang masusustansya ang mga sangkap ng bawat lutuin.
Kabilang
sa mga resipi na itinampok sa handbook ay ang pampaganang
Karambola Salad, pang-ulam na Tokwando, panghimagas na Gardenia
Sweets at pangmiriendang Squash Temptation.
Layunin
ng NNC at FNRI na mahikayat ang bawat miyembro ng pamilya,
lalung-lalo na ang mga bata na kumain ng iba't-ibang uri
ng gulay araw-araw. Batid natin na mahirap pakainin ng gulay
ang mga bata kaya tinitiyak ng Food Management Section (FMS)
ng FNRI na ang bawat resipi ay kaaya-aya at magugustuhan
ng lahat ng miyembro ng pamilya. Masusing pinag-aralan ng
FMS ang bawa't resipi upang malaman at matiyak ang mga sustansyang
taglay nito.
Ang handbook
ay isinulat sa wikang Pilipino. Bukod sa resipi, may dagdag
pa itong gabay sa pamimili at mahalagang impormasyon tungkol
sa sustansyang taglay ng gulay at prutas.
Para sa
karagdagang impormasyon, maaaring sumulat o tumawag sa NNC-DA,
Villamor Interchange, South Superhighway, Makati City; http://www.nnc.da.gov.ph;
telepono bilang (02) 843-5834 o sa FNRI-DOST, DOST Compound
Gen. Santos Avenue, Bicutan, Taguig, Metro Manila; http://www.fnri.dost.gov.ph;
telepono bilang (02) 837-2934
S&T
Media Service
FNRI-DOST Media Release for 2004